Hanapin
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Aug | ||||||
| 1 | ||||||
| 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 |
| 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 |
| 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 |
| 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 |
| 30 | 31 | |||||
Buwanang Dalaw
Sponsored Links
Palatandaan
Manunulat
Jobi Simon Javier
Louis Andrew Dizon
Leytest
- Ayaw Ko ng Mandirigma
- Walang Kinabukasan ang Sinag ng Araw
- Ang Calibre ng Caleon
- Ikasampo ng Siyam
- Ang Umpisa ng Siyam: Author Notes
- Ang Umpisa ng Siyam: Ikatlong Kabanata
- Ang Umpisa ng Siyam: Ikalawang Kabanata
- Ang Umpisa ng Siyam: Unang Kabanata
- Ang Umpisa ng Siyam: Isang Prologo
- Author Notes: Impeng Negro
Most Popular
- Ang Ma-Dramang Buhay ni Impeng Negro (36329)
- Author Notes: Impeng Negro (5206)
- Impluwensiya ng Hapon (3296)
- Mga Buhay Na Puno ng Drama (1448)
- Ang Utak ni Alvin (1379)
Mga Koneksyon
Mga Puna
- shiena: ahm ang kwentong i2 ay...
- CONSCIENCE M0 :): ----- aaaangggg saaabeeeeeee kooo .. ...
- jamil: wala naman akong makuhang answer...
- hannah: d nman 2 educational, at...
- secret: nakaka iyak naman kc palagi...
Mensahe
- ibcbet:
Cara sempurna untuk binatang buruan sandiwara ibcbet di mana di sandiwara seluruh di kenyamanan rumah anda.
- sbobet:
Di mana anda bisa bertanding dengan binatang buruan dan informatif dan menggunakan penuh sbobet penggunaan di rumah anda. http://www.bolazoom.com/sbobet/sbobet-com/
- taruhan bola:
Jika anda ada waktu untuk memainkan penjudian berkunjung di sini yang anda bisa menikmati taruhan bola. http://www.bolazoom.com/sportsbook/
- Pacquiao vs Marquez:
- Negativeangel | TV Series and Movies:
manta
- CrawlsYoseob:
wala bang kwento para sa mga play?
- watevr:
hah? speeeee!
- watevr:
hah? speeeee!
- watevr:
hah? speeeee!
- watevr:
hah? speeeee!
- watevr:
nanananananananana! huh wat ?
- watevr:
nananananananananana! huh wat?
- kyle:
hahahahhahahaha
padalan nyo ko sa e mail and ayos yun- LAWRENCE:
YOU KNOW EMPENG NEGRO BUTI NA LNG AT NAGPASKIL KA NG NOVELS MO IT HELP’S ME A LOT “TNX”
- Roy:
just passing by, try to see my eyes, Keep it up!
- HANNAH DELICA.:
hay grabeh. maganda rin pala yung impeng negro.
hehe. hi sa mga tiga mandsci dyan
- alyssa:
:)) hello. wahhh ang labo ng impeng negro! heloo ASTIN! share
- astin:
hello:))
- astin:
weak. hahaha! ang KJ ng school namin. share! v
- jonah:
pag mahal mo ang isang tao ipag laban mo
kung gabi na di tulog na yun!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ayaw Ko ng Mandirigma
August 14, 2010Nakapagtataka. Natuklasan ko ang pinagmulan ng lahat ng paghihirap na dinanas ko sa aking maikling buhay. Ang kapangyarihang taglay ko ay walang dudang nagmula sa dimensyong hindi kayang mawari ng pangkaraniwang nilalang. Maging malakas ay sinisiguro ng dugong dumadaloy sa aking mga ugat. Katumbas ng patuloy kong paglakas ay ang pagkawalay ng aking sarili sa lahat ng ninanais ko bilang tao. Unti-unting naglalahao ang anupamang natitira sa aking kabutihan. Sinasakop na ng aking pag-iisip ang taning na nakalaan na para sa mga tao ng mundong ito. Tatapusin ko silang lahat gamit ang bagay na hindi maaaring buuin lamang: ang kawalan ng pag-asa.
Gayunpaman, mayroon pa rin sa mga tao ng mundo ang nagtataglay ng puwersang kayang tumapat sa akin. Walong mandirigma, na ilang henerasyon na ang lumilipas na sumisira sa planong wasakin ang mundo. Sadyang sila ang pag-asa laban sa sandata kong panira. Ngunit ngayon, alam ko na ang kahinaan nila. Alam ko kung paano tatalunin ang walong mandirigmang puno ng sigla at lakas: pagwatak-watakin sila. Matagal ko nang isinasagawa ang pagkontra sa nakatakda nilang paglaban sa akin. Ayon sa plano ko, hindi sila magiging hadlang sa akin.
Sisirain ko ang samahan ng Ang Siyam.
Walang Kinabukasan ang Sinag ng Araw
April 21, 2009Katahimikan. Hindi ko masabi kung ano ang nasa paligid ko. Kadiliman. Wala akong maisip kundi ang sakit na nararamdaman ko mula sa namamaga kong kanang balikat. Paano ba ako napunta rito? Kinapa ko ang magaspang na sahig gamit ang kabila kong kamay. Pinilit kong makatayo, ngunit hindi ko nagawa. Nanghina ako’t bumigay ang katawan ko. Tumama sa sahig ang likod ng ulo ko.
Nagising akong pawisan. Tumagos mula sa maliit na puwang ang sinag ng naninilaw na araw. Nahiwatigan ko na kung nasaan ako. Isang kulungan. May bakal na pinto. Naririnig ko ang ingaw na nagmumula sa mga katabi kong preso. May bagong dating. Nagkakagulo ang lahat dahil isa siyang sikat na mang-aawit. Isa siyang Aydol. Alam ko kung paano mamuhay ang isang aydol ng masa. Hinahangaan. Minamahal, hangga’t sa hindi na mapanatili ng aydol ang mabuting imahen niya. Pagkatapos noon, mawawala ang galang. Mababawasan nang mababawasan ang mga masasayang ganapin. Kagagalitan. May hustisya ba sa huli para sa isang aydol? Wala akong masagot diyan, pagkat nais ko lang ang puksain ang lahat ng mga nagtatago sa likod ng iba, mga taong palihim na sumusuporta sa mga aydol para lang maabot ang makasarili nilang mga hangarin.
Isa akong biktima ng sistema, kung kaya’t napala ko ang buhay-preso. Ako si Tata Moreh, isang mabuting nilalang na nakasaksi ng kasuklam-suklam na pangyayari, at ito ang kwento ko…
Ang Calibre ng Caleon
April 11, 2008Inihahandog ko ngayon ang bahagi ng kwento kong “Ang Calibre ng Caleon”. Binalak kong gawan ng kwento ang bawat miyembro ng Siyam, ngunit makalipas ang ilang taon, sina Harvy, Alvin at Mark (pati na rin ako) ang nagawan ko ng kwento. Na-post ko na ang kabuuan ng “Utak ni Alvin” kung may interesado pang basahin ito.
Ito na siguro ang pinaka-”normal” kong kwento, kung saan halos walang gamitan ng katangi-tanging kakayahan. Sana masiyahan kayo sa kwentong ito…
Ang Calibre ng Caleon
Nakauwi na rin sa wakas si Harvy. Pagkagaling niya sa paaralan, sumama siya papuntang estasyong pinagtatrabahuhan ng tiyo niya. Grade six pa lang siya ngunit nais na niyang mapag-aralan ang buhay ng tunay na pulis. Tinanggal niya ang unipormeng polo. Sa ilalim nito ay nakasuot siya ng bullet-proof vest. Kailangan maging handa sa ano mang pagkakataon.
Pinagmasdan niya ang silid. Siniguro niyang walang banta rito. Mapanganib maging miyembro ng pamilyang kilala sa pagtugis sa mga pinuno ng mga sindikato. Narinig ni Harvy ang boses ng kanyang inay. Kakain na raw sila. Binukas ni Harvy ang pinto ng malaking aparador niya. Tumapon ang sari-saring baril sa paanan niya. Dali-dali niya itong pinagpatung-patong muli sa loob. Bahagi ang mga iyon sa kanyang koleksyon. Munting butas sa likuran ang pinagtuunan niya ng pansin. Kinatok niya ang semento sa pinaka-loob ng lalagyan. Bumukas ito, at inilagay niya ang pinakamamahal na pinagmamay-aarian: ang Calibre ng Caleon. Walang makakapaniwalang napagkakasya ni Harvy ang baril sa munting espacio dahil sa likas nitong laki.
May kasaysayan ang pangunahing sandata ni Harvy na gawa sa ginto. Hindi nanggaling sa sinaunang panahon ang sandata niya, hindi, galing iyon sa panahon ng Kastila. Mula ito sa tatay ng lolo niya. Ginawa ang armas na ito panlaban sa masasamang loob. Walang sinuman ang may kakayahang gumamit nito maliban sa galing ng angkang Caleon. Masyado itong malaki kumpara sa pangkaraniwang hanggan dahil may haba itong apat na talampakan at taas na tatlong talampakan.
Bumaba si Harvy at naabutan ang mga batang kapatid na nakaupo sa hapag-kainan kasama ang mga magulang niya. Naka-uniporme ang dalawa nang pampulis.
“Mabuti naman ho at narito kayo,” bati ni Harvy. Malimit lang niyang makasabay ang magulang tuwing hapunan dahil sa masikip nilang mga iskedyul sa pag-pupulis. Naupo na siya at sumabay sa pag-kain.
Matapos ang hapunan, umakyat muli si Harvy para paghandaan ang darating na araw. Naisipan niyang mag-aral para sa mga pagsusulit, ngunit pumasok sa isip niya ang pagkakaroon ng pang-gabing gawain. Balak niyang maging vigilante. Masyado pa siyang bata para maging pulis kahit na higit pa ang kakayahan niya kumpara sa ibang tagapangalaga ng batas.
Inihanda niya ang kagamitang dadalhin at lumabas ng bintana. Nalimutan niyang patayin ang ilaw sa kwarto niya. Bumalik pa siya. Umaasa si Harvy na aakalain ng lahat na maaga siyang natulog ng gabing iyon.
Nagising si Harvy nang medyo huli ng sumunod na araw. Inabot na siya nang madaling araw sa pag-papatrolya sa lungsod. Hindi niya inaakalang ganoon talaga kalaki ang Lungsod Quezon. Marami siyang nagawang kabayanihan sa nakaraang gabi. Nakabugbog siya ng mga lasing. Binaril niya ang mga akyat-bahay sa isang barangay. Kinutsilyo niya ang mga holdaper sa highway. Wala siyang naabutang `di-pangkaraniwang pangyayari. Puro simpleng krimen lang ang nailutas niya. Nagtataka nga siya kung bakit kinailangan pa ang Siyam na Batang Mandirigma sa panahong halos wala nang naglolokong may tunay na kapangyarihan. Natalo na nila si Jonathan, pati si April Boy. Wala nang sumulpot na matinding kalaban dalawang buwan na ang nakalilipas.
Naabutan niya sa telebisyon habang palabas ng bahay ang isang balita tungkol sa pinaghihinalaang grupo ng bihilanteng kalalakihang gumala sa lungsod ng gabing nakalipas.
“Walang saksi sa mga engkwentro kagabi,” ulat ng babae, “ngunit sinisiguro walang kinalaman dito ang lokal na pulis. Narito si Tsip Tomas upang magbigay ng pahayag…”
Ikinwento ni Harvy sa walo niyang kaibigan ang pakikipagsapalaran niya noong gabing nakaraan. Wala gaanong interes ang mga ito sa gawain niya bilang vigilante. Inaatupag lang nila ang pagmamadali sa pagkain ng baon upang maumpisahan na ang pakikipagpaligsahan sa habulan.
“Balak kong gawing gabi-gabi na ang paglilibot ko,” wika niya sa mga kaibigan habang sumisipsip ng inuming tsokolate sa tetra-pack gamit ang straw. Agad na tumayo ang walo, na pinangunahan nina Ted at Pio.
“Hamunin na natin sina Angeli!” pasigaw na anyaya ni Ted. “Ipaghihigante natin ang pagkatalo kahapon!” Naiwan si Harvy na inuubos ang hawak na inumin.
Nag-uuwian na ang lahat. Inaayos pa lang ni Harvy ang iiwang gamit sa locker niya. Nagpahuli siya upang madaliin ang pag-aaral gamit ang maikling panahon. Nakarinig siya ng pagbagsak ng katawan sa labas ng silid-aralan. Sinilip niya ito. Walang tao. Nakaramdam siya ng kaba. Takot si Harvy sa mga multo. Sa sobrang hilig niya manood ng mga pelikulang horror, naapektuhan na ang pag-iisip niya. Lahat ng kwento ng St. Mary’s College narinig na niya. Ngayon lang niya naransan ang ganitong pangyayari.
“Si-sino `yan?” nanginginig na tanong ni Harvy. Lumitaw mula sa likod niya ang isang medyo matandang lalaki. Mabantot ito at madungis ang damit. Nakasuot siya ng top hat. Ngumiti siya, “Akin na ang kapangyarihan mo!” Hinawakan niya sa batok si Harvy. Nakaramdam ang bata ng panghihina. Napasigaw siya tapos nawalan ng malay…
Ikasampo ng Siyam
March 13, 2008Sampong Taon na ang nakalilipas nang malikha ang unang kwento ng Siyam. Walang pang tanyag na “Siyam na Batang Mandirigma” ang magkakaklase noong grade six sa St. Mary’s College QC. Kwentong isinulat lamang para sa munting proyekto ng Filipino ang pinagsimulan ng ngayo’y hindi ko na mabilang na dami ng mga likha.
Isa sa mga unang kwento ay likha ni Carlo. Tungkol ito sa isang halimuyak. Ikinalulungkot kong sabihin, ngunit hindi na namin alam kung saan na ito napdpad. Maaaring natapon na lang ito sa basurahan. Eniwei, para hindi masayang ang paggunita ng ikasampo ng Siyam, inihahandog ni Ginoong Javier ang kwentong ito:
Isang Halimuyak
Isang halimuyak. Mga magagandang babae. Nagtatawanan. Isa itong paraiso sa tabi ng karagatan. Narating na ito ni Mark, nang bigla siyang magising. Isa siyang bihag! Nakabitin siyang nakadikit sa sapot na gawa sa crepe paper. Isang matinding halimuyak ang tumama sa kanyang pang-amoy. Nakaramdam ng pagkahilo si Mark. Lumitaw sa kanyang harapan ang isang batang nakangiti.
“Buti’t gising ka na, Mark,” wika ng batang lalaki. Sinuntok niya si Mark sa Nananabang tiyan. Napa-aray ang kawawang bihag. “Bakit mo ako dinala rito. Ano ang balak mong gawin? Teka, kilala kita!” Pinagmasdan ni Mark nang mabuti ang kaharap na bata. Madilim man ang kapaligiran, nagawa pa rin niyang makilala ito: si Jobi! “Jobi, ano’ng ginagawa mo rito?”
“Nagkakamali ka!” sigaw ng bata. “Tikman mo ang halimuyak na tatapos sa iyong buhay!” Bago pa man makakilos ang bata, maingay na pagpunit ng papel ang naganap. Nakawala si Mark sa sapot ng crepe paper. “Hindi ako kayang bihagin ng mumurahing papel!” Napaatras nang isang hakbang ang bumihag kay Mark. Mariing hawak-hawak ni Mark ang bahagi ng sapot na papel, kasunod ang marahas na paghampas sa katunggali. Tumilapon ang batang lalaki. Patakbo itong sinundan ni Mark, at nagpatuloy siya sa panghahampas gamit ang crepe paper. “Tatapusin kita gamit ang mahiwaga mong papel!”
Ang Umpisa ng Siyam: Author Notes
Ikinagagalak kong ihandog sa inyong mambabasa ang unang tatlong kabanata ng “Umpisa ng Siyam” na sinulat ko noong Hunyo-Hulyo 2003. Dito matatagpuan ang simula ng lahat ng mga kwentong likha ko. Ito ang tinuturing kong “Origin Story” ng Siyam kahit na ilang taon na ang nakalipas nang mag-umpisa ang mga kwento ng Siyam.
May walong kabanata, prologo at epilogo ang kwentong ito. Dati nang nabanggit kung saan matatagpuan ang buong bersyon ng kwentong ito, pati na rin ang iba ko pang likha, pero muli: http://groups.yahoo.com/group/AngSiyam/ . Maaari rin akong kontakin sa ang_rurok@yahoo.com kung nais humingi ng kopya nito o iba ko pang likha. Paumanhin na lang kung marami pa ring typo.
Nakalimutan ko na kung nabanggit ko noon na lumikha ako ng pitong kwento noong Hunyo-Hulyo 2003. Isa rito ang “Utak ni Alvin”. Ito ang kasunod ng “Umpisa ng Siyam”.
Lumikha rin ako ng kwentong maisisingit sa “Umpisa ng Siyam”. Ito’y ang “Labinlimang Minuto.” Inaanyayahan ko kayong basahin ito pagkatapos ng UnS: Ikatlong Kabanata.
Ang Umpisa ng Siyam: Ikatlong Kabanata
Ang Umpisa ng Siyam:
Ikatlong Kabanata:
Ang Pagbangon ng Nakaraan
Dinala ni lolo ang siyam na bata sa isang pook kung saan walang puno, at maikli lamang ang tubo ng damo. Nag-mosyon siya sa walo para manatili sa kinatatayuan nila. Dinala niya sa kabilang banda si Jobi. Napagtaka sila sa pangyayaring ito. Inaasahan nga nilang kasabay lang sa pag-eensayo si Jobi, pero sa simula’t-simula pa lang, parang napagdaanan na niya ito at kabisadong-kabisado pa. Waring inaalalayan na lang ni Jobi ang mga kaibigan niya. Muli naging seryoso ang mukha ni Lolo Pelingon nang umabot siya sa kabila, “Ang pagsasanay lang sa araw na’to: talunin niyo si Jobi sa pakikipaglaban ”
Kumaripas ng takbo si Jobi papunta sa walo. Hindi nila masigurado ang gagawin. Bakit ba nila kailangang kalabanin ang isang kaibigan? Nasindak si Mark sa taglay ring bilis ng kaibigan niya. Tumama ang isang suntok sa maalog niyang tiyan. Mapapansin ang galit na nararamdaman ng mga kaibigan sa nakita. Tumalsik si Mark nang ilang metro. Walang pagpipigil si Jobi sa atake niya.
“Bakit mo ginawa `yon ” pasigaw na tanong ni Pio. Naalala niya ang karansan niya nang makilala si Mark. Lagi siyang napapatawa ni Mark dahil likas na kengkoy ang mukhang kwagong kaibigan. Sinugod niya si Jobi. Tuluy-tuloy ang mga sapak na pinapadala niya kay Jobi, ngunit mabilis lang naiiwasan ang mga sugod ni Pio. Nag-backflip si Jobi, at tumama ang sapatos niya sa mukha ni Pio. Sumuka siya ng dugo. Malakas ang bagsak niya sa lupa.
Inisa-isa ni Jobi ang natira pang anim. Nag-aalala na si Lolo sa nangyayari sa mga bata. Nagbigay siya ng payo, “Para inyong makayanan si Jobi, kailangan niyong palabasin ang nakatagong kapangyarihan.”
Hindi nila magawa ang sinasabi ni Lolo. Hindi man lang nila alam kung paano mangyayari ang hinihingi niya. Paulit-ulit lang silang pinagbububugbog.
“Nagsasawa na ako sa inyo.” Mayabang ang tono ni Jobi. “Hindi nararapat ang mga katulad niyo maging tagapangalaga ng kapayapaan.” Tumawa siya nang nakakaasar. Mainit na ang ulo ng walo sa ipinapakitang ugali ni Jobi. Hindi nila akalaing gagawin ito ng kaibigang kalapit nila. Siya ba talaga si Jobi? “Uumpisahan ko na kayong tapusin isa-isa.” Maliksi niyang inilagan ang mga dumating na sari-saring suntok at sipa. Dumiretso siya kay Daniel na nakahiga at sumigaw, “Bato ng Rurok ” Naumuo ang misteryosong enerhiya sa palad ni Jobi. Bumwelo siya, kasunod ang matinding paghagis nito. Napasigaw na lang si Daniel, at biglang naging tahimik. Nawala ang batang instik. Lumuluha na ang mga kaibigang magkakasama sa kinahinatnan ni Daniel. Wala man lang awa sa mukha ng marahas na kaibigang pumaslang dito. Sabay-sabay na tumayo ang pitong natira.
“Mapagsamanatala ka!" sigaw ni Mark. Napalayo si Jobi sa lakas ng sound waves ni Mark. “Hindi ka dapat pang mabuhay!” bulyaw naman ni Louis. Dinikit niya sa itaas ng tainga ang dalawang palad niya. Nakaramdam ng matinding sakit ng ulo si Jobi. Hindi na siya makapag-konsentreyt.
“pagkakataon na natin, p’re” wika ni Carlo kay Ted. Tumakbo si Carlo at sinuntok sa dibdib si Jobi. Nagdugo ang bibig ni Jobi. Tinaas ni Ted sa kalangitan ang mga bukas niyang kamao. Sumigaw siya, waring nag-uutos, “Kidlat!” Tuluy-tuloy ang pagbagsak ng daan-daang piraso ng kidlat. Nangisay na lang si Jobi sa buhos nito.
“Sasabayan ko naman `yan,” sabi ni Pio kay Ted, “Ipu-ipong Nunal ” Humiwalay sa katawan ang marami niyang nunal, at nagdikit-dikit. Bumuo ito ng isang ipu-ipo ng sama-samang nunal. Kinontrol niya ito papunta kay Jobi. Hinele ang kawawang bata ng ipu-ipo.
“At eto naman ang panghuli,” pahabol ni Harvy. Naalala niya noong bago nila marating ang lugar na iyon, binigyan siya ni Lolo Pelingon ng matibay na tirador. Pumulot siya ng bato. Nilagay ito sa posisyon, hinila ang goma, at umasinta. Pinaapoy ni Alvin ang bato. Tinira ito ni Harvy at tumama ang umaapoy na panira sa ulo ni Jobi kahit paikut-ikot siya. Nawalan ang bata ng malay. Tinanggal na ni Pio ang Ipu-ipo ng Nunal habang pinatigil naman ni Ted ang ulan ng kidlat. Sinalo ni Lolo ang nahulog na bata at inihiga sa sahig. Masaya siya sa naganap. “Aba, mahusay. Hindi ko akalaing magiging ganoong kadali ang paggising sa kapangyarihan niyo.” Hindi masaya ang mukha ng pitong sugatan. Sa kabila nga ng pagkontrol nila ng sari-saring kapangyarihan, binawian naman ng buhay ang isa nilang kasama. Ang masama pa roon, isang kaibigan ang may kagagawan. Walang karapatan si Lolo Pelingon gawin sa kanila ito, ano pa man ang katuwiran.
Sa ikinagulat nila, parang alam na ni Lolo ang nasa isip nila. Tumawa siya nang masaya. “Hindi niyo pa ba naiintindihan ang lahat? Pinakamadaling paraan para mapalabas ang kapangyarihan niyo ang pagbuhos muna ng matinding galit.”
“Hindi tama ang ginawa mo Lolo,” sabi sabay singhot ni Mark ng sipon, “pinabayaan mo lang masawi si Daniel. May puso ka ba?” Muling tumawa si Lolo, “Sige, kung ganyan pa rin ang nasa isip niyo, ipapaliwanag ko na ang lahat.
“Wala akong balak na masaktan ang damdamin niyo. Ninais ko lang na magising ang inyong pambihirang kapangyarihan. Nagboluntaryo si Jobi upang makatulong sa inyo. Ginalit lang kayo ni Jobi nang husto, siyempre sa tulong ko.
“Hindi talaga namatay si Daniel. Sa huling sandali bago siya tamaan ng Bato ng Rurok, iniligtas ko siya.” Naisip nila ang pambihirang bilis ni Lolo Pelingon. Nagpakita mula sa likod ng malaking bato si Daniel. Hindi nila alam kung matutuwa sila o magagalit sa ginawa ng kaibigang intsikin. Nagpatuloy si Lolo, “Napag-usapan na namin kagabi nina Daniel ang eksenang ihahandog para sa inyo. Inaasahan kong lalabas ang nakatagong puwersa niyo kapag nasaktan si Daniel sa inyong harapan. Lalo pa kaya kung akalain niyong patay? Nakakatuwa nga ang mga mukha niyo noon–hahaha ” Napangiti ang mga bata, maliban kay Jobi. Mahimbing siyang natulog buong maghapon.
Ang Umpisa ng Siyam: Ikalawang Kabanata
Ang Ikalawang Kabanata ng kwentong " Ang Umpisa ng Siyam…
Ikalawang Kabanata:
Ang Umpisa ng Pag-eensayo ng Mga Bata
Inatupag kaagad ni Lolo Pelingon ang pagliligpit sa hapag-kainan matapos ang nakabubusog na hapunan. Labas-pasok siya sa maliit na kubo.
“Matanong ko lang sa inyo,” wika ni Mark sa mga kaibigan, “Paano ba kayong lahat nakarating dito? Nabigla na lang ako nang makita kayo rito. Hindi ko talaga inaasahan.” Huminga nang malalim si Ted, “Katulad mo, tinakas din lang kami. Suot pa nga namin ang uniporme, eh.” Tinuro niya ang suot na khaki pants. “Saka nga rin lamang naintindihan `tong lahat sa pagkukwento ng Lolo mo.”
“Napansin niyo rin sa kanya ang kabutihan ng loob, ano?”
“Sa palagay ko tama ka,” sagot ni Ted, “pero hindi siya ang sumundo sa amin. Napag-isip si Mark sa sinabi ng kaibigan. “Mark, si Jobi ang sumundo sa amin. Tinipun-tipon niya kami, at sinabing sundan namin siya. Bakit hindi? Nagsimula siyang tumakbo. Hindi namin napansin ang sobrang bilis ng pagbiyahe. Hindi nga namin akalain may ganoon kaming taglay na bilis sa pagtakbo, lalo na ako. Lumipas ang panandaliang panahon ng paglalakbay. Sinundan namin siya hangga’t sa umabot kami rito. Sa aming pagdating, tumulong kami sa pagsasaayos ng pagkakainan.” Hindi namalayan ng mga bata na kanina pa nakaupo sa kanilang tabi si Lolo.
Humarap naman si Mark kay Jobi, "Ikaw naman, Jobs. Sabi ni Lolo may taglay ka rin na kapangyarihan. Ano `yun?
“Wala akong balak ikwento ang pinanggalingan ng kapangyarihan ko,” sabi ni Jobi habang tinatanggal ang butones sa polo. “Sa katunayan nga ay alam na ni Lolo ang nakaraan ko. Hindi ito mahalaga para sa atin ngayon. Mabuti nang panatilihing lihim.”
Natapos na ang lahat ng ligpitin. Hindi pa rin nila alam ang dahilan ng pagkakatawag nila rito sa liblib na lugar. “Anong araw ba ngayon?” Nasa isip ni Mark ang mga paborito niyang palabas na naliban sa telebisyon.
“Na-miss nga natin ang Gundam,” sagot ni Daniel. “Biyernes ngayon.” Muling tumayo si Lolo Pelingon at nag-ayos ng mga higaan sa labas, sa damuhan. Nagsalita ang matanda, “Kailangan niyo nang matulog. Maaga tayo magsisimula bukas.”
Nakarinig ng ingay si Mark. Isang hayop ang nasa paligid nilang siyam. Nasaan si Lolo? Lumabas siya mula sa sleeping bag na pinahiram ng matanda. Tinalasan ni Mark ang pandinig niya. Bakit ako pa lang ang gising? Sumulyap siya sa nakabalot na kagubatan at damuhan. Madaling-araw na, ngunit wala man lang bakas ni Lolo. Siya kaya `yon? Isang anino ang dumagsa sa harap niya. Bigla itong nawala. Nakaramdam na si Mark ng takot. Binabalikan kami ng mga aninong kalaban ni Lolo! Napasigaw siya. Yumanig ang lupa. Nagmadli sa paggising at pagtayo ang walong kaibigan, parang tinusok sa puwit ang bawat isa.
“Mark, ano `yon?” seryosong sabi ni Harvy. Napaplibutan ang lugar nila ng puno, kaya hindi nila halos makita ang tunay na hugis ng nilalang na parating. Humanda si Mark para lumaban, gayun din ang mga kasama niya. Maliksi ang galaw ng hugis na parating. Nang umabot ito sa dulo ng kapunuan, bigla itong tumalon. Nalaman na nila kung ano ang nilalang na nasa taas nila. Isang higanteng lobo na may puting balahibo sa katawan ang parating. Matulis ang mga ngipin nito at nanlilisik ang mata. Tumahol ito habang pababa. Si Daniel ang una nitong binalak sugurin. Sa huling sandali bago tamaan si Daniel, sinalag ni Harvy ang kukong matulis, at sinapak ni Carlo sa panga. Tumilapon ang lobo sa sobrang lakas ni Carlo. Bumagsak ito sa lupa. Nang makabangon ang kalaban, umiiyak ito. Hindi naman pala mukhang mabangis ang lobong dumating–Maamo ang mata nito. Hinihimas niya ang tamang natamo sa pisngi. Sa ikinagulat nila, nagsalita ito, “Aray naman, hindi ko alam–hu–na ganyan pala ang lakas niyo–waaaaah ” Gumulung-gulong ito sa sakit. Lumapit si Carlo at hinimas-himas ang balahibo nito, “Patawarin mo na ako, akala ko kasi sasaktan mo ang baboy naming kaibigan.” Napasimangot si Daniel sa komentong iyon. Tumayo na ang lobo at yinakap si Carlo.
Nakita nila si Lolo sa hagdanan ng kubo niya. “O, nakilala niyo na ang kaibigan kong lobo, si Blackie.” Nakangiti si Lolo. “Pwede na tayong magsimula ”
Buong araw, puro pagsasanay lang ang ginawa nina Alvin, Harvy, Carlo, Louis, Pio, Mark, Daniel at Ted. Tinulungan naman ni Jobi si Lolo Pelingon sa pamamahala habang kasabay ang mga kaibigan.
Ilan sa mga ginawa nila’y ang pag-akyat sa bulubundukin, paglangoy nang pabalik-balik sa lawa nang sandaang beses, pag-ta-tambling-tambling pababa ng bundok, pag-inom ng kumukulong tubig habang nakabaon sa yelo, pag-uunahan sa pagtakbo, pagdurog ng bato sa pamamagitan ng ngipin, at iba pa.
Naalala ni Mark na kahit kumakain na sila ng Mami pang-merienda, pabaliktad na nakabitin pa rin sila sa bakal na rehas.
Inabot sila nang gabi sa pag-eensayo.
“Kaya niyo pa ba?” tanong ni Lolo Pelingon sa walo. Sabay-sabay silang sumagot ng “Opo” kay Lolo. Sa katunayan nga, hindi nila maintindihan kung bakit hindi sila gaanong napagod. Walang kakayahang magawa ng pangkaraniwang bata ang mga nagawa nila. Kumain sila at natulog para umpisahan nang maaga ang mga pagsasanay sa susunod na araw.
Dumating si Blackie sa sumunod na araw para gisingin sila. Bumangon sila at nakitang nakatayo si lolo Pelingon sa harap nila, katabi si Jobi. Seryoso ang dalawa.
“Ngayon, gigisingin ko na ang kapangyarihang nakatago sa inyo,” sabi ni Lolo, “Tapos na ang pagpapainit kahapon.” Hindi nila akalaing balewala lang ang lahat ng ginawa nila noong nakaraang araw. Ano kaya ang binabalak ni Lolo?
Ang Umpisa ng Siyam: Unang Kabanata
Ito ang kasunod sa kwentong "Ang Umpisa ng Siyam" na nagsimula sa Ang Umpisa ng Siyam: Isang Prologo.
Unang Kabanata:
Ang Pagtawag Kay Mark
Kasalukuyang nag-aaral sa ikaanim na baitang sina Mark at ang walo niyang matatalik na kaibigan sa St. Mary’s College. Pinalad naman maging magkaklase ang siyam na sina Alvin, Harvy, Carlo, Louis, Pio, Jobi, Mark, Daniel at Ted sa pangkat VI-Our Lady of Assumption.
Natapos na ang araw. Lumabas si Mark mula sa silid at nag-umpisang maglakad patungong labasan, kung saan naghihintay ang dakilang si Manang.
“Uy, Mark, nandito na si Manang ” sigaw ni Manang sa alaga niya. Halos tumalon na siya nang makita si Mark. Lingid sa kaalaman ng iba, hindi talaga kailangan ni Mark si Manang para maasikaso ang mga pangangailangan niya. Noon pa ito napansin ni Mark, pero parang napakalaking tulong sa kanya ng yaya, kahit na paminsan-minsan nga ay mas abala pa ito. Yinakap ng mataba’t masayahing yaya ang alaga. Kinuha nito kaagad ang dala-dalang bagahe ni Mark.
Naglakad palabas ng Saint Mary’s College ang dalawa patungo sa sakayan ng Taksi nang bigla silang harangin ng isang lolong nakasalamin. Tumingin si Mark sa yaya niya. Biglang nag-iba ang mukha ni Manang. Ang dating hitsura na waring walang problema ay napalitan ng pangharap na puno ng galit. Pumusisyon si Manang na parang lalaban sa matanda, at humanda rin sa pagsagupa ang matanda. Sinugod ni Manang ang nilalang. Kanang suntok. Kaliwang sipa. Balewala sa matanda dahil kakaiba ang taglay nitong liksi. Sumulyap-sulyap sa paligid si Mark. Mabuti naman at walang taong nakasaksi.
“Hindi mo maaaring makuha si Mark ” panakot na sigaw ni Manang, “Kailangan mo muna akong–” Bumagsak sa lupa si Manang. Nawalan siya ng malay sa natanggap na tadyak sa tiyan. Nagulat si Mark sa bilis ng pangyayari. Meron palang kakayahang lumaban si Manang? isip ni Mark. Lumapit sa kanya ang matandang nakasuot ng bughaw na polo-shirt, kupas na maong, at puting rubber shoes na marumi na. Humakbang palikod si Mark. Hindi siya makasiguro sa dapat niyang gawin. Kung papatumbahin ba ng isang estranghero ang taong nag-aalaga sa iyo, makakapagtiwala ka bang wala itong masamang pakay?
“Hindi ka dapat mag-alala, Mark,” wika ng matanda. “Kung sasama ka sa akin, maipapaliwanag ko sa iyo ang lahat nang malinaw.” Inabot ng matanda ang kamay niya kay Mark. Puno si Mark ng pagdududa, ngunit sa loob-loob niya, may katotohanan sa sinasabi ng matanda. Nagsalita siya, “Sige po, wala naman akong magagawa. Kung si Manang nga naging ganyan ang itsura, ako pa kaya?”
Inupo nila si manang sa tabi ng pader, na parang natutulog.
“Ligtas siya riyan,” panigurado ng lolo kay Mark. Naglakad sila nang ilang metro, sa madamong kapaligiran ng Saint Mary’s College. Lumuhod ang matanda at hinila ang bahagi ng damo. Umangat ang isang trap-door. “Halika Mark, mauna ka.”
Lumipas ang labinlimang minuto ng paglalakbay sa ilalim ng lupa. Nagsasawa na si Mark sa dilim. Tanging ang ilaw lamang na mula sa maliliit na kandilang dala-dala ng matanda ang nagiging gabay nila sa paglalakbay. Biglaang tumigil ang matanda. Tumalon siya nang mataas at tinulak ang lupa sa ibabaw.
Narating nila ang isang kubo, sa gitna ng isang liblib na lugar. Nakita ni Mark sa loob ng bahay na naghihintay sina Alvin, Harvy, Carlo, Louis, Pio, Jobi, Daniel at Ted. Nakaupo silang lahat sa kahoy na mesa, kung saan maraming pagkain ang nakahanda. Parang wala man lang silang bahid ng pagkagulat na makita si Mark. Bahagyang tumawa ang matanda, “Ngayon Mark, wala ka na sigurong pagdududa. Magpapakilala na ako sa iyo: ako si Lolo Pelingon.” Nabigla si Mark sa narinig niya. Nagpatuloy ang matanda, ”Oo, nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Ngayon mo pa lang ako nakita. Sinadya ko iyon, apo ko.” Umupo ang dalawa sa mesa. Habang kumakain, nagsimulang magkwento si Lolo Pelingon:
“Nag-umpisa ang lahat matagal nang panahon ang nakalipas. Mahirap man mapaniwalaan ninyong lahat, ipinagbilin ang bawat pamilya natin mula pa sa ating mga ninuno ang kaligtasan ng madla mula sa mga pambihirang kasamaan–ang galing ano? Kaya lahat tayo’y may taglay na kakaibang kapangyarihan.” Napatingin kay Lolo ang mga bata. Mahirap talagang paniwalaan ang kwentong naririnig nila. Wala naman mapapansing kakaibang katangian sa bawat isa. Nagpatuloy siya, “Sinabi ko sa inyong mahirap itong paniwalaan, pero makinig lang kayo.
“Sa mga nakaraang henerasyon, napapanatili ng samahan ang kapayapaan, hangga’t sa umabot sa kapanahunan ko at ng mga Lolo niyo.
“Nagkaroon noon ng Solar Eclipse kasabay ng sunud-sunod na matinding pag-ulan nang ilang araw. Nakaramdam na kami ng masamang presensya. Hinarap namin ang kasamaan, ngunit nasawi ang mga lolo niyo. Ako lang ang nakaligtas. Sinakripsyo nilang lahat ang kanilang mga sarili para magapi ang mga kalabang hindi man lang namin mabigyan ng pangalan, pero eto ang masasabi ko tungkol sa mga nakalaban namin: sila’y mga aninong kayang magpanggap bilang ibang bagay. Ang naging problema namin sa pakikipaglaban ay dalawa lamang ang may kakayahang matapatan ang katunggali. Kaming dalawa nina Lolo Dizon (ang lolo ni Louis).
“Matapos ang paglalaban noon, sinumpa kong hindi na ako makikigulo sa mga bagay-bagay. Nahirapan akong magpaliwanag sa inyong mga pamilya. Noong una, kung anu-ano ang sinasabi ko para lang makayanan nilang maintindihan, ngunit napilitan din ako sa huli aminin ang katotohan. Ang nakakapagtaka lang doon ay mas mahirap pang paniwalaan ang katunayan kaysa sa hindi.
“‘Sira na ang ulo mo,’ sabi sa akin ng lola ni Ted.
“Kaya narito ako ngayon. Humiwalay ako sa buhay pangkaraniwan. Kung nais niyong magtanong, ito ang tanging oras. Marami naman akong hindi natukoy sa pagkwento ko.” Umupo si Lolo Pelingon na parang pakikinggan ang kahit ano. Unang naisipan ni Mark na magtanong, “Lolo, pa’no nangyari sa mga pamilya natin ang magkaroon ng kapangyarihan? Sino ang naghabilin sa atin para maging tagapanatili ng kapayapaan?” Nagpatunog ng lalamunan si Lolo, “Mag-umpisa tayo sa tanong ‘kung sino ang pasimuno ng lahat’:
“May mundong naglalakbay sa kalawakan tulad ng sa atin. Puno ito ng mga nilalang na malalakas, kaso lang ay mga pumanaw na ang namamalagi rito. Hindi ko ito natitiyak pagkat mga kwentong pinasa-pasa lamang ang narinig ko. Paniniwala ng karamihan galing ang kapangyarihan natin doon.
“Meron din akong ipapaalam tungkol sa kapangyarihan natin.” Nagpatuloy si Lolo, “Naitala ko ang taglay na kapangyarihan ng bawat angkan. Inalam ko ang pamilya ng bawat isa sa inyo. Ganito ang pagkakabahagi: kay Alvin Acebedo ang pagkontrol ng apoy; kay Harvy Caleon ang pambihirang kakayahan sa paggamit ng armas; kay Carlo Cariaga ang walang kapantay na pangkalahatang kakayahan ng kalamnan; kay Louis Dizon ang sandatang isipan; kay Pio Gatpandan ang paggamit ng nunal sa katawan niya sa iba’t-ibang paraan; kay Ted Tumbocon ang pagtawag ng kidlat.”
“Pero Lolo, bakit ganoon,” nagtatakang singit ni Daniel, “wala bang kapangyarihan na naiwan sa akin?”
“Ikinalulungkot ko Daniel na sabihin sa iyong hindi ko alam ang taglay na kapangyarihan ng angkan mo. Sa palagay ko nagamit ng Lolo Tan mo sa huli naming pakikipaglaban ang lihim na kapangyarihan ng pamilya niyo. Mukhang kakaiba nga, pero sa pinagdaanan naming pakikipaglaban, mayroon lamang siyang ibinilin sa akin. Ito ang `Spada ng Gwapo. Nag-iibang anyo ito tuwing ginagamit niya. Mahina ang turing sa kanya ng iba naming kasamahan.” tumungo si Daniel. Makikita rin nila ang kapangyarihan ng angkan ko isip niya. Nagpatuloy si Lolo Pelingon, “Ang kapangyarihan naman natin, Mark… ang kakaibang kakayahang gamitin panlaban ang pag-awit!” Yumanig ang lupa sa pagsigaw niya. Nagbilang sa daliri si Alvin, “Lolo, may kulang pa sa aking mga kalkulasyon. Wala si Jobi sa mga tinukoy niyo.”
“Siguro,” sabat ni Louis, “wala rin siyang kapangyarihan tulad ni Daniel.” Bahagyang tumawa si Louis. Walang imik si Jobi na nakaupo sa gilid ng mesa. Tahimik lang siyang nakikinig sa pinag-uusapan.
“Ah, hinde, Louis,” paliwanag ni Lolo, “may dahilan ako kung bakit hindi ko binanggit ang pinagmulan ng kapangyarihan niya. Malalaman niyo rin kapag si Jobi mismo ang nagsabi sa inyo.”
Nang matapos ang huling salita ni Lolo, nakalabas na sa kalangitan ang mga bituin. Tumayo siya’t sa isang iglap ay nawala. Muling namangha si Mark sa ipinamamalas na bilis ng matandang kasama niya. Isang kaisipan lang ang bumabagabag sa kanya: Kamusta na si Manang at ang magulang ko?
Ang Umpisa ng Siyam: Isang Prologo
Ang susunod ay bahagi ng likhang kwento ni Jobi na "Ang Umpisa ng Siyam." Mag-comment lang kayo kung nais niyong i-post namin ang mga katuloy nito.
Ang Umpisa ng Siyam
Isang Prologo:
Mag-uumpisa tayo sa paaralang St. Mary’s College, kung saan matatagpuan ang mag-aaral na si Mark Pelingon, ang naturang pinakamatalinong estudyante ng batch niya. Katatapos pa lang ng bakasyon at kapapasok pa lang niya sa unang araw ng ikaunang baitang.
“Sige Mark, hihintayin kita hangga’ng labasan na ” pahabol ni Manang, ang dakilang yaya ni Mark, bago makapasok ng gate ang pinagsisilbihan. Kumaway siya habang iniaabot kay Mark ang schoolbag na puno ng mga aklat.
Buong summer inatupag ni Mark ang pagbabasa ng mga aklat na gagamitin niya sa greyd wan, kaya panatag ang loob niyang makakaangat sa klase. Pagdating kasi ng ikaunang baitang ng St. Mary’s, nagkakaroon ng panibagong uri ng sectioning, batay ito sa panahong mag-enroll ang bawat estudyante. `Yon nga lang, kapag mataas ang grado ng isang bata, nabibigyan siya ng pagkakataong mapunta sa Cream Section, ang pangkat kung saan mas mahirap ang tinuturong mga asignatura. Siyempre doon ang mataba nating bida.
Pumasok sa silid-aralan si Mark. Napansin niyang may iilang estudyanteng hindi nakasuot ng uniprome. Mga bagong kaklase bulong ni Mark sa sarili. Humanap siya ng upuan sa bandang harap at umupo na pawang walang kaproble-problema.
Narinig ni Mark ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa likod niya.
“Siya si Mark Peling-on ano?” tanong ng isang babaeng naka-pink t-shirt na naka-tuck-in sa maong. Sumagot ang babaeng katabi niya, “Siya nga `yon, mataba, maliit at mukhang laging may LBM.”
Hindi natuwa si Mark sa sinabi ng mga babae. Hindi siya si Mark Peling-on. Pe-ling-gon ang tamang pagbigkas ng apelyido niya. Nakakainsulto rin ang paglarawan sa kanya. Hindi naman sa mali, pero pakiramdam ni Mark pwedeng hindi kasing prangka. Lilingon na sana siya para sabihin ang hinaing niya nang biglang magtayuan ang mga bata sa pagpasok ng adviser ng pangkat I-Humility.
“Good Mor-ning Mees Sang-ga-lang ” sabay-sabay na bati ng mga bata sa bagong dating na guro.
“Good Morning din sa inyong lahat,” sagot ng guro sa mga estudyante.
Lumipas ang mga oras. Dumating at umalis ang mga titser ng iba’t-ibang asignatura. Pitong titser na ang naglabas-pasok sa pangkat ng I-Humlity, at isa na lang ang nalalabi. Bago mag-umpisa ang huling sabdyek, nag- break muna ang mga bata.
Naglabas si Mark ng banana chips mula sa itim niyang baunan. Binuksan niya ito at sinimulang kainin. Lumapit sa kanya ang isang matangkad at mestisuhing batang lalaki, “Naaalala mo pa ba ako, Mark?” Tiningnan ni Mark nang mabuti ang bata, “Ikaw nga `yung kasama ko noong Award Ceremony last year. Ikaw si Louis `di ba?”
“Louis Andrew Dizon.”
Naalala ni Mark ang nakaraang taon ng pag-aaral. Sa sobrang sipag niya mag-aral, halos lahat na ng parangal para sa sari-saring kategorya nakuha niya: subject, club, deportment, penmanship at kung anu-ano pa. Para siyang Christmas tree, ang dami kasing medalyang nakasabit sa long-sleeve polo niya noon. Katabi niya noon si Louis, na dalawa lang ang kinapos makuha para maging kasing dami ang medalyang natamo ni Mark.
Naubos na ni Mark ang banana chips niya. Tumayo siya para itapon sa bandang likod ang natirang wrapper nang tapikin siya ni Louis. “Sandali lang Mark, ipapakilala ko sa iyo si Alvin.” Lumapit sa kanila ang batang payat at kayumangging kulay ang kutis. Matigas ang katawan niya.
“Alvin, si Mark,” wika ni Louis, “Mark, si Alvin.”
Lumipas ang mga araw, at naging masaya ang pakikisama ng tatlong magkakaibigan. Natuklasan ni Mark ang higit na kahusayan ni Alvin sa agham.
Nakilala ng tatlo sina Pio at Ted, dalawang magkaibigang mahilig sa larong takbuhan. Silang dalawa ang naghahari sa klase pagdating sa larangang iyon. Araw-araw hinahamon nila ang mga kaklaseng babae. Si Ted, payat, na may hindi pangkaraniwang kagwapuhan. Si Pio naman, mas maliit nang kaunti kay Ted, may maraming nunal sa katawan at nagtataglay ng husay ng batang atleta.
Dumating ang sumunod na taon sa paaralan ng Saint Mary’s College. Nakilala ng limang magkakaibigan si Harvy, mabait pero mapusok at may pagka-bayolente kapag nagalit. Nakilala rin nila si Carlo, isang bruskong batang mahilig magbiro.
Sa pagsapit ng ikatlong baitang, naging kaklase at kaibigan nina Mark si Daniel, ang intsiking chick boy. Halos lahat ng kaklase nila’y naaakit sa mayamang playboy.
Nakaibigan nila noong ikalimang baitang ang maliit na si Jobi, at naging kaklase nila noong ikaanim na baitang. Dito magsisimula ang ating kwento. Isang kwento ng pagbabago, paghihiganti at paghihinanakit.
Author Notes: Impeng Negro
March 5, 2008Medyo nagulat na lang ako sa nangyari sa isinulat kong Ma-Dramang Buhay ni Impeng Negro. Una muna, hindi ko naging layunin ang gumawa ng nakalulungkot na kwento. Isang kwentong pinabasa sa klase namin noong grade six ang kwentong Impeng Negro. Hindi ako nakaramdam ng anumang pagbigat ng damdamin noong binasa ko ang kwentong iyon. Lalong hindi dahil pinagtatawanan namin ang paulit-ulit na pag-Dagok ni Impen.
Nakakatuwang isipin na humigit na sa isang libo ang bumibisita, kung hindi man bumabasa, sa Ma-Dramang Buhay ni Impeng Negro. Salamat sa lahat ng nagbigay ng oras na mag-iwan ng komento.
Galing sa mismong manunulat ng kwento, walang tunay na aral na nakapailalim dito. Isang pagbalik lamang sa lumang tauhan ang ginawa ko nang isulat ang kwentong ito. Kung may interpretasyon ang karamihan ng mambabasa, ikasisiya ko na lang dahil nagawa ng kwento kong lampasan ang simpleng hinangad: pagtawanan ang tunay na kwento ni Impeng Negro.
Isang Pagbati sa mga Mambabasa
February 20, 2008Nais lamang naming iparating sa mga mambabasa ang taos-puso naming pasasalamat. Sa mga nagnanais ng buong kopya ng ilan sa mga nailathala, wag magdalawang isip na kontakin si Ginoong Jobi Javier sa ang_rurok@yahoo.com. Kung hindi siya nagreply agad dahil sa buhul buhol sa iskedyul, maaari niyo akong kontakin, si Ginoong Tom Cruise, biru lang, Ginoong Louis Dizon sa email na tom.cruise@gmail.com, biru ulit, louis.dizon@gmail.com ang totoo. Maraming salamat po sa inyong lahat. Gagawa pa kami ng mga walang kwentang istorya sa mga darating na dekada.
-Tom Cruise
Ang Siyam: Pamasko Espesyal
December 11, 2007Binuklat ni Mark ang binunot na pitaka mula sa masikip niyang pantalon. Kumalat ang pira-piraso ng alikabok mula sa loob nito. "Wala akong pera," malungkot na hayag ni Mark sa sarili. Naubusan siya ng pera dahil sa pansarili niyang pagbili ng mga bagay-bagay gamit ang pambaon na pera.
"Hindi ko dapat binili ang mga modelo ng Gundam," wika niya sa sarili habang naglalakad palayo ng bahay. Tinatahak niya ang daan patungong tambayan ng Siyam nang lapitan siya ng matandang abot-tiyan ang balbas. Tantsa ni Mark, nasa mahigit kwarenta anyos na ang lalaki.
(more…)
Simpleng Bagay Lang
December 5, 2007“Isa kang hangal,” galit na sambulat ni Jobi habang hinahampas sa matigas na aspalto ang ulo ng nagaping kalaban. Hawak-hawak ni Jobi ang kalabang naka-Amerikana sa puting kwelyo nito. Kumalat ang dugo. “Bakit ba ayaw niyo tumigil sa panggugulo. Hindi ba sapat na iiwan ko ang lahat?”
“Ginoong Javier,” naghihingalong sagot ng lalaki, “importante ka pa rin patnubayan ayon kay Ginoong Snow. Nawalan siya ng malay. Bumitaw si Jobi sa hawak na kwelyo, handang pabayaan ang ahente ni Ginoong Snow. “Ayaw kong bumalik. Hindi ko kayang harapin ang aking mga kaibigan dahil sa mga nakatakdang pangyayari.” Nag-umpisa siyang maglakad palayo, malayo sa pinagganapang eskinita.
(more…)
Ang Kaluluwa ng Bayani
December 3, 2007Nakatanggap ng liham si Pernie. Galing ito sa matagal nang nalayo na kaibigan. Inabutan niya nang isang piraso ng pilak na barya ang mensahero. Binasa ni Pernie ang laman ng sobre:
Hindi na mabilang ang taon nang huli tayong magkita. Paumanhin sa tagal, Pernie. Sa dami ng aking mga naging karanasan, magagawa kong mag-akda ng libro at ibenta sa Nasyonal. Kung kikita lang sana ako ng pera…
Eh, nagpatuloy na naman ako sa walang saysay na bagay. Balik sa sinasabi ko: Sa tagal nating hindi nagkita, malaking problema ngayon ang hinaharap ng kinabukasan natin. Liham din ang naging senyales sa akin para gampanan ang karapatang maging tagapagtanggol ng sambayanan.
(more…)
Mga Buhay Na Puno ng Drama
November 29, 2007Haha, paumanhin sa mga magbabasang nasosobrahan sa dami ng sinusulat kong mga ka-dramahan. Layunin ko noong una maging komediya ang mga kwento ng Ang Siyam, na may paunti-unting drama sa bandang huli. Kaso hindi ito simple para sa akin dahil hinahanap ko ang mga sagot sa mga tanong tulad ng:
ang Ang SIyam lamang ba at ilan pang mga katauhan ang may katangi-tanging kapangyarihan?
May natirang mandirigma sa dapat na huling paghaharap noong may mahigit sisentang taon na. Paano ito nangyari? Ano ang dahilan kung bakit walang dapat matirang buhay?
Sino ba talaga si Ginoong Snow? Si Impeng Negro?
(more…)
Sikretong Samahan
Binuo ko ang samahang ito dala ng pangangailangan. Alay ko sa mga taong kumupkop sa akin ang pagpapanatili ng kapayapaan. Lagi ko silang isinasaisip, lalo na kapag nangangailangan ako ng inspirasyon.
Hindi simple ang maging kakaiba. Mahirap tanggapin ang ganitong katotohanan. Matanong ko kung kanino man, ano ang magagawa ng isang nilalang na kayang pababain sa -273 degrees Celsius ang temperatura ng lahat ng bagay na nakapaligid sa loob ng sampung talampakan? Marami ang maaaring maging sagot. Anong sagot ba ang napagpasyahan ko? Sana maintinidihan ng lahat.
Walang dudang mabuti akong tao kung titignan gamit ang mata ng inosente. Mga mangmang lang ang dapat gumawa ng ganoon. Natutunan ko ang isa sa pinakamahalagang pangaral ng kasysayan: alamin ang nakaraan upang hindi ito maulit at maulit nang maulit. Isinasaloob ko ang mga salitang iyon.
(more…)
Mga Interbyu- Janoy Mitas
November 26, 2007PinoyHeroes.com: Narito kami ngayon kasama ang direktor ng palapit na sure mega blockbuster hit: Ang Siyam na Mandirigma, si Janoy Mitas.
PH: Ano ang naging reaksyon mo nang personal kang lapitan ng mga manunulat ng sikat na seryeng Ang Siyam?
Janoy Mitas: Noong una, hindi ko malaman kung nagkalokohan na. Wiling-wili talaga ako habang binabasa ang mga kwento nila bago pa maging ganito ang pagkasikat ng AS [Ang Siyam]. Hiniling ko nga na sana magkaroon ako ng pagkakataon maging bahagi ng anumang proyektong may kinalaman sa mga tauhang tulad nina Mark at Carlo [ng Ang Siyam].
PH: Kilala ka bilang “ang direktor na mapuso” dahil halata sa iyong nakaraang mga proyekto ang pagsasapuso sa mga orihinal na konsepto ng mga kwento, nobela at komiks. Ano ang masasabi mong maaasahan ng fans ng Ang Siyam sa pelikulang parating?
JM: Asahan nilang hindi ako mapapalihis sa paglahad ng kanya-kanyang mga kahinaan sa pakikipaglaban. Iyon ang naging pinakamalaking isyu sa akin noong binabasa ko ang mga kwento. Marami pang aksyon ang maisasama sa mga paghaharap at pakikipaglaban.
PH: Hanggang ngayon, hindi pa rin sigurado kung sino talaga ang magiging kontrabida ng Ang Siyam na Mandirigma. Ano ang opinyon mo tungkol dito?
JM: Mahusay na itinago ng lahat ng may-alam ang tungkol sa kontrabida. Hindi ko pa pwedeng sabihin, pero ipapaalam ko lang na hindi kabigla-bigla kung sino man iyon, ngunit mapipilitan ang manonood pag-isipan kung bakit nagkaganoon.
PH: Masyado mo naman kaming pinaglalaruan. Hulaan na lang muna hangga’t maikalat ang tungkol doon.
PH: May pag-asa bang magkaroon ng karugtong ang pangkasalukuyang pelikula?
JM: (Napatawa) Tignan natin. Hindi ako maaaring tumanggi kung mapagpasyahan nilang gamitin ako ulit.
PH: Huling tanong: Sino ang pinakagwapong miyembro ng Ang Siyam?
JM: (Napatawa) Si Ted dapat, pero sa aking opinyon, si Daniel. Doble ang appeal ni Daniel sa mga Tsiks niya: gwapo na, mayaman pa. PH
Si Panide Salvador
Ang susunod ay preview mula sa parating na bagong likhang kwento mula sa mga manunulat ng Ang Siyam: Ang Huling Pagkikita
Si Panide Salvador
“Halina kayo’t sumunod sa akin,” aya ni Panide sa siyam na magkakasama. Nagpatuloy siya sa kanyang paghakbang, “Mararating natin ang Landas ng Ligaw na Bungo sa loob nang ilang sandali—“ mabilis na umiwas si Panide sa pabagsak na kalansay. Kumalansing ang mga buto nito sa dilaw na kalsadang tinatahak. “Na naman! Nagugutom na naman ako!” sigaw ni Panide habang kinakapa ang dala-dalang sako. Naging hudyat na ito sa siyam na mandirigma na mapapasubo sila sa isa pang di-kanais-nais na engkwentro.
Umangat ang kalansay na bumagsak malapit kay Panide. Nagsimula itong magsalita, “Bakit ka napadapad dito, Panide Salvador? Ano ang karagdagang kahalangan ng pagdala mo ng iba pang mga balat-anyo?” Mabilis na nagbukas-sara ang naninilaw panga ng kalansay. Tumunog ang kulang-kulang nitong mga ngipin. Mula sa malayo, mala-bundok na alon ng sari-saring buto ang rumagasa. Napaatras si Panide. Humakbang patalikod ang siyam. Tumigil ang alon malapit sa pinagtatayuan ng buong kalansay. “Ako si Hakalan—Kal for short—narito kayo ngayon para harapin ang puwersa ng Ligaw na Bungo!” Sabay-sabay na nagbuu-buo ang sari-saring mga butong nagpatung-patong. Kung anu-anong anyo ang nabuo mula sa mga ito: mga mukhang hayop na may apat na paa, mala-taong walang ulo, at iba pang mga hugis na hindi maintindihan.
Napakagat si Panide sa hawak-hawak na tinapay. Kumapa siya ng isa pang piraso mula sa sako gamit ang kabilang kamay. "Huwag niyo sana akong masyadong gutumin!" Sumugod ang mga kampon ni Hakalan. Parang kidlat ang sunud-sunod na tadyak ni Panide. Nasama na rin sa labanan ang siyam na mandirigma…
Ang Ma-Dramang Buhay ni Impeng Negro
August 22, 2007Bago niyo basahin ang istoryang ito, nais kong imbitahan kayong bisitahin ang FACTS. Gayundin ang InfoBlog. Madami kayong matututunan sa mga website na ito kaya daan na! Maligayang pagbabasa mga kaibigan!
Nag-iisang anak. Putok sa Buho. Buong buhay ni Impen dala-dala ang kalungkutang nakakapit sa balat niya. Pinagtatawanan siya dahil sa kanyang kulay. Isa siyang negro. Wala siyang kaibigan, pero maraming kaaway. Lagi siyang pinagkakatuwaan ng mga batang kapitbahay sa squatter area. Pinakamatinding kalaban niya si Ogor.
* * *
Humithit si Impen mula sa kinakapa-kapang sigarilyo. Kasalukyan niyang sinasamahan si April Boy patungo sa pupuntahang Boss. Inaalala niya ang lahat ng paghihirap niyang pinagdaanan bago marating ang sinwerteng pagkakataong maging bahagi ng kasamahang kinabibilangan niya ngayon. Hindi niya magawang sabihin ito kay April Boy: “Magkatulad tayo, April. Pareho tayong Pinipigilan ng mga taong naiinggit sa atin.” Bumuga siya ng usok.
* * *
Nagawa ni Impen ang inaakala niyang hindi maaari: Nagapi niya si Ogor. Paulit niyang pinagdadadagok ang kalaban. Dagok. Dagok. Dagok. Sumusuka na ng dugo ang batang nakahilata habang walang tigil na nagpapatuloy si Impen. Napansin ng batang dumadagok ang pambihirang paglaki ng kamao niya. Nag-umpisang magsigawan ang mga manonood na nagpipila-balde. Nawalan si Ogor ng hininga. Pinuksa ni Impen ang walang kalaban-labang bata. Naisipan ni Impen ang pagtakas.. Tumakbo siya. Tumakbo siya nang tumakbo hangga’t sa halos hindi na siya makahinga. Tumigil siya sa isang madilim na eskinita. Hindi niya napansin ang palapit na paglubog ng araw. Tumigil sa tabi niya ang isang itim na limousine. Misteryosong lalaki ang lumabas mula sa pintuan nito. Pormal na amerikana ang suot niya. Puting-puti ito. “Impen, sa wakas nagkatagpo rin tayo.” Hinihingal na sumagot si Impen, “Si-sino ka?”
“Ako si Ginoong Snow.”
“Pa’no mo ako nakilala?” Paunti-unting bumagabagal ang paghinga ni Impen.
* * *
Malayo na ang narating ni Impen mula sa araw na iyon. Tadhana ang naiisip niya tuwing inaalala ang kanyang nakaraan. Tagumpay para sa kanya ang maging natatanging miyembro ng Sikretong Samahan…
Isang Araw
Nakaramdam si Alvin ng matinding init sa kanyang namamawis na kili-kili. "Ano'ng pahiwatig ito?" Malakas na bugso ng puwersa ang tumama sa ilong niya. Napansin ni Alvin ang katabing si Mark. Mala-lawa na ang lusak ng laway sa tabi ng ulo ng natutulog na kaibigan. Napatalon si Alvin mula sa tahimik na pagkaupo, "Yakis! Kadiri ka, Mark!" Mabagal na minulat ni Mark ang mala-kwago niyang mga mata. "Ano ba `yun, Alvin," kasunod ang mabigat na paghikab. Napaatras si Alvin nang ilang hakbang upang maiwasan ang panganib na dala ng hininga ni Mark na bagong-gising.
Napasulyap si Alvin sa silid-aralan nila. Nagkataong hindi dumating ang guro nilang nakatakda para sa oras na iyon. Kanya-kanya ang pagpupulong ng iba niyang mga kaklase. Ilan sa mga kaibigan ni Alvin na batang lalaki'y nagpasyang gamitin ang oras na iyon para maglibang sa ibaba. Narinig niya habang naglalakad palapit ng pintuan ang sigaw ni Pio, "Nasa akin ang Speedy!"
* * *
Muntik nang madapa si Pio nang magawa niyang maiwasan ang sari-saring pagkalabit ng mga kalaro. Nagawa niyang magpatuloy sa pagtakbo. Mabilis namang sumunod sa kanya ang dalawa niyang kasamahan sa koponan na sina Ted at Jobi. Bahagyang bumagal si Pio, "Mga P're, kailangan nating masiguro ang kaligtasan ng Speedy. Nagawa nilang tapusin si Daniel nang pagtulungan siya." Ilang sandali lang bago ni Pio makamtan ang Speedy, pinagtulungan si Daniel ng mga babaeng katunggali. Hindi nakayanang tulungan si Daniel ng mga kakampi niya. Napunta kay Angeli ang dala-dalang Speedy ni Daniel, na siya namang nanakaw agad ni Pio.
Palapit na nang palapit ang mga babae sa tatlong magkasama. Namataan ni Pio ang tatlong magkakasamang naglalakad na sina Louis, Carlo at Harvy sa ikaunang palapag. Nagtatawanan sila. "Gawin na natin 'to," panimula ni Pio, "Sugod!"
* * *
Sumisipol habang naglalakad si Carlo. Kasalukuyan niyang kasama sina Louis at Harvy. Dumalaw sila sa Cafeteria para mag-merienda. Sayang ang oras kung hindi rin nila gagamitin para magpakabusog. "Mga P're," wika ni Harvy sa dalawang kasama, "Mag-CR muna tayo." Pumasok si Harvy sa malapit na CR. Bahagyang nagpatuloy sa paglalakad sina Louis at Carlo. "Carlo," wika ni Louis habang nag-aayos ng salamin, "bakit kaya sila naubusan ng chis istik?" Umiling si Carlo, "Pagkaalam ko, may grupo ng mga `studyanteng tinuturing ang chis istik na pawang bawal na gamot. Laging nauubusan ang Cafeteria dahil sa dami ng binibili nila." Napaisip si Louis sa narinig.
Lumabas si Harvy ng banyo. Pumagitna siya sa isa nilang guro, si Mr. Mora, at ang kaharap na kausap. "Harvy." Mabigat ang boses ng pinanggalingan nito. Si Mr. Mora. Lumingon si Harvy, at napagmasdan ang mukha ng malaking guro. "Kapag makikiraan ka, kailangn mong sabihin ang excuse me." Umopo si Harvy at nagpatuloy sa paglalakad. Nasundan niya ang dalawang kasamang sina Louis at Carlo na nagtatawanan…


